Showing posts with label Pinoy Expat. Show all posts
Showing posts with label Pinoy Expat. Show all posts

Wednesday

Repost: Babala sa lahat ng OFW

Maraming salamat po sa ating kaibigan na si PhilDubai sa friendster..Repost ko lang po uli eto para maging babala sa lahat ng OFW...MAG-INGAT PO TAYONG LAHAT!

As received, Just would like to share this very important message for the hardworking fellow kababayans...
Mahalagang Paala-ala sa ating mga kababayan na nagsisikap na makapagpundar ng salapi para sa kanilang pamilya.
Narito ang isa sa karumaldumal sa gawain ng mga bayarin na alagad ng batas para sila ay magkamal ng salapi sa masamang paraan.
Kung kayo ay kumakain sa anumang restaurant o fastfood at halos ilang linggo pa lamang nakakarating galing sa ibang bansa ay mag-ingat kayo sa ganitong scenario.... ......habang kayo ay kumakain, may pwe-pwesto sa tapat ng lamesa nyo na isang tao (babae o lalaki) at ito ay kakain rin, kalimitan ang suot ay parang balikbayan din, malimit itong gagamit ng cellphone at malakas mag salita para makuha ang atensyon mo, at parang nagmamadali.
Bigla itong tatayo at a-akto na nagmamadali, mai-iwan sa table ang susi ng kotse nya, dito ay dapat kang mag-isip ng mabuti dahil sa oras na kunin mo ang susi at ihabol sa labas ng fastfood o restaurant, para iabot sa umalis na customer ay pagdating sa labas ay hindi mo na makikita ang taong ito, sa puntong ito ay babalik ka sa loob ng fastfood or restaurant, biglang may lalapit syo na magpapakilalang pulis at sasabihin syo na ikaw ay suspect sa carnapping, at bubulungan ka na huwag mag-ingay at sumama sa labas dahil nandoon ang complainant, at may tatayo pa na apat na tao sa loob ng fastfood o restaurant at magpapakilalang mga intel agent, dito ay malilito ka na at mapipilitan kang sumama sa labas.
ITO AY ISANG MALINAW NA FRAME UP.
Kapag kayo ay nasa labas na, dito na magaganap ang pagpilit syo na sumakay sa kotse nila upang ikaw daw dalhin sa presinto subalit dadalhin ka nila sa lugar na halos walang tao at doon ka tatakutin na ipa-pa-media at sasampahan ng kaso.
Ito na ang simula ng pag-alok nila sa iyo ng ibang option para hindi ka makasuhan, ito ay ang pagbibigay mo sa kanila ng pera, una ay hihingan ka nila ng P500,000.00 hanggang sa makipag-negogiate ka sa kanila.
KAYA PO MGA KASAMANG MGA OFW, MAG-INGAT PO KAYO SA PAGMAMAGANDANG LOOB KAPAG NASA PILIPINAS, IWASAN PO NINYONG DAMPUTIN ANG ANO MANG BAGAY NA MAIIWAN NG MGA KUSTOMER NA AGAW PANSIN.
IPAALAM PO NATIN ITO SA LAHAT NG ATING KASAMANG OFW AT MAGING SA MGA KAMG-ANAK NATIN NA NASA PILIPINAS.
HINDI PO TAYO NAMUMULOT NG PERA PARA NAKAWIN SA ATIN NG MGA WALANG PUSONG NAGPAPAKILALANG ALAGAD NG BATAS ANG SALAPING ATING PINAGHIRAPAN, PATI PO ANG MAGANDANG PANGALAN NATIN AY KANILANG SISIRAIN.
Ito po ay nagyayari sa lugar ng Bulacan, Laguna, Antipolo, Bataan, at Quezon City.

GOD BLESS Everyone!

Tuesday

A Very Sad Story!

This is a sad story..really!! pakibasa na lang po ninyo..alam ko hindi lahat ng Pinoy/Pinay na lumalabas ng Pinas ay may magagandang buhay..magpasalamat po tayo kung ang buhay natin ay maligaya at hindi katulad ng sad story na eto..pero sa totoo lang marami talagang mga Pinoy/Pinay na nasa iba't-ibang sulok ng mundo..sana naman kahit nasaan man tayo, huwag nating kalimutan na tayo ay mga Filipino...at sana naman iwasan na natin ang inggitan at kayabangan dahil eto lahat ang ugat ng di pagkakaintindihan at pagkakaunawaan...No matter what happened at sabihin man natin na kahit ano na ngayon ang ating nationalidad, nananalaytay pa rin sa ating mga ugat ang dugong Filipino..huwag nating kalimutan ang ating kayumangging kulay!! keep reading!! anyway this was shared by a friend in friendster..ingat po tayong lahat!! Peace to all!!

sad story!

Registered nurse si Bebeng sa L.A. Kasama niya ang kanyang ina na nagpagamot doon. Namatay ang ina nito. Dahil sa kamahalan ng pamasahe pabalik sa Pilipinas, nagtipid si Bebeng. Pinauwi na lang niya ang kabaong ng kanyang ina na mag-isa.

Pagdating ng kabaong, napansin ng mga kapamilya niya na nakadikit ang mukha ng ina sa salamin ng ataul. Nagkomento tuloy ang isang anak, "Ay, naku! Tingnan mo 'yan... hindi sila marunong mag-ayos ng bangkay sa Amerika! Nakudrado tuloy ang mukha ng inay."
Upang ayusin ang itsura ng bangkay, binuksan ang kabaong. Aba ! May sulat na-nakastaple sa dibdib ng ina. Kinuha nila ito at binasa. Ang nilalaman ng liham na mula kay Bebeng:

Mahal kong tatay at mga kapatid:
Pasensya na kayo at hindi ko nasamahan ang nanay sa pag-uwi riyan sa Pilipinas dahil napakamahal ng pamasahe. "Ang gastos ko pa lang sa kanya ay mahigit $10,000 na. Ayoko nang isipin pa ang eksaktong halaga. Anyway, ipinadala ko kasama ni nanay ang mga sumusunod...
Nasa likod ni nanay ang dalawampu't apat na karnenorte at isang dosenang spam. Ang adidas na suot ni nanay ay para kay tatay. Ang limang pares ng de-goma ay nasa loob ng dalawang asul na Jansport na backpack na inuunan ni nanay. Tig-iisa kayo.

Ang iba't-ibang klase ng tsokolate at candy ay nasa puwetan ni nanay. Para sa mga bata ito. Bahala na kayong magparte-parte. Sana'y hindi natunaw. Ang pokemon stuffed toy na yapos-yapos ni nanay ay para sa bunso ni ate. Gift Ko sa first birthday ng bata. Ang itim na Esprit bag ay para kay Nene.

Ate, nasa loob ng bag ang pictures ni inay, japanese version ng pokemon trading cards at stickers. "Suot ni nanay ang tatlong Ralph Lauren, apat na Gap at dalawang Old Navy t-shirts. Ang isa ay para kay Kuya at tig-iisa ang mga pamangkin ko. Maisusuot ninyo ang mga iyan sa fiesta.

Suot din ni inay ang anim na panty hose at tatlong warmer para sa mga dalaga kong pamangkin. Isuot nyo sa party.May isang dosenang NBA caps sa may paanan ni nanay. Para sa inyo, itay, kuya, dikong, Tiyo Romy.. Bigyan nyo na rin ng tig-isa 'yung mga pamangkin ko at 'yong isa ay kay Pareng Tulume.

Ang tigdadalawang pares ng Nike wristband at knee caps na suot-suot din ni nanay ay para sa mga anak mo, diko, na nagbabasketball. Tigdadalawang ream ng Marlboro lights at Winston red ang nasa pagitan ng mga hita ni nanay.
Apat na jar ng Skippy Peanut Butter, dalawang dishwashing liquid, isang Kiwi glass cleaner at tig-aanim na Colgate at Aqua Fresh ang nakasiksik sa kilikili ni nanay. Hati-hati na kayo, huwag mag-aagawan.
Isang dosenang Wonder bra ( Victoria 's Secret ata ang tatak) gustong-gusto ni Tiya Iskang society natin, suot-suot din ni nanay. Alam kong inaasam-asam nyo 'yan, tiya. Anim na lipstick lang ang kasya sa bra. Ang Rolex na bilin-bilin mo tatay, suot-suot ni nanay. Nakatakip sa Nike na wristband. Kunin mo agad, Itay.

May isinisik akong zip-loc sa bunganga ni Inay na naglalaman ng $759 dollars. Hindi na ako nakatakbo sa ATM. Puede na siguro sa libing iyon.
Iyong tong na makokolekta, i-time deposit niyo Kuya para pag namatay si Tatay may pambili na ng ataul.Ang hikaw, singsing at kuwintas (na may nakakabit pang anim na nail cutters) nagustong-gusto mo, ditse, ay suot- suot din ni nanay. Kunin mo na rin agad, ditse. Ibigay mo ang isang nailcutter kay Jay bakla sa kanto.

Tanggalin niyo an g bulak sa ilong ng inay, may isiniksik ako 3 diyamante sa bawat butas. Ibangon niyo lang si inay at tiyak na malalaglag na ang mga iyon. Konting alog lang siguro ng ulo.
Marami pa sana akong ipaglalalagay kaya lang, baka mag-excess at si nanay pa ang maiwan. Basta parte-parte kayo, tatay, kuya, ate, dikong, ditse. Para sa inyo lahat ito. Bahala na kayo kay nanay. Pamimisahan ko na lang siya rito.

Balitaan ninyo na lang ako pagkatapos ng libing. Alam ni ate ang email ko. Paki-double check ang lista kung walang nawala sa mga ipinadala ko.

Nagmamahal,
Bebeng